Friday, December 31, 2010

2011, New Year's Resolution

1. gumawa ng blog.

wala lang, para uso. para in. actually, para mag stay lang ako sa

bahay at tumambay, magastos mag mall, magastos gumala, ok na to,

tulala.

2. mag open ng savings account.

matagal ng plano to, nasa grade 4 pa lang ata ako, at nagsusulat ng

theme writing, pangarap ko na mag ipon. pero ni minsan, di pa ko

successful, kaya siguro tres yung binigay sa akin sa accounting nung

college ako. pag susulat lang sa ledger ng debit, credit, di pa alam.

pano kase, nakakaantok yung oras na yun 5-6pm. basta mag iipon na ko.

pramis.

3. mag-aral magluto.

mahilig ako kumaen, pero di ako marunong magluto. ewan ko, gusto ko

lang masarap yung mga nakakaen ko. medyo, nasasaktan ko ata loob ng

nagluluto sa amin pag sinasabihan ko na matigas pa or hilaw or kulang

sa asim. basta, for a change. gusto ko maging master sa pagluluto.

4. uminom ng madameng tubig.

yes, tubig. puro kase ako praline mocha frap sa starbucks e (joke lang,

mahirap lang ako). nakakalimutan ko na yung basic needs ng katawan ko,

ang tubig. maganda sa katawan to. i think everyone should do this.

5. iwasan ang alak. sisig at lechong kawali

healthy foods. wag masyado magmadali sa buhay. madame pang pwedeng

gawin. gusto ko pang magpadame ng lahi at yumaman.

6. mag abroad.

eto ata yung pinaka mahirap na goal ko sa ngayon e. kelangan ng sipag

sa paghahanap ng better oppurtunity. di na ko bata, tumatanda na daw

ako, sabi nila. at this year, sana umunlad naman ako kahit papano.

7. bumili ng videocard. yung maangas.

natrauma ako nung last time na nagoyo ako ng nagbenta sa akin sa

tipidpc, pucha, sira pala. kaya pala ang mura. basta, siguro ngayon

lumiit na yung bird nun dahil sa karma. bahala sya, kaya ngayong taon,

bibili ako ng maangas, yung mahal. cash pare, para malaro ko ng mabili

sa pc ko yung plants vs zombies tsaka backyard monster. hehe


8. magbike. kahit bmx.

anlaki na ng tinaba ko, dati di ganto katawan ko nung riders pa ko.

kaya siguro kelangan ko na mag exercise, kahit ordinary lang na bmx,

basta makakarating sa kanto namen, tsaka pabalik. solb na.

9. wag minimize lates


kung ano ka nung college, ganun na talaga ang kakalakihan mo. spoiled

ako nung college sa mga 1st subjects ko, kaya ok lang yung mga lates. ngayon, nagtatrabaho na, medyo nadala ko yun. pero now im planning to minimize yung lates. wala lang. para matuwa naman sa akin yung mga boss ko. hehehe

10. visit church at least once a week.

no need to explain. diba bossing?


Happy New Year Kids!

Andropov Abad
december 31, 2010.

4 comments:

  1. first comment on first post, hehehe :D sana matupad lahat yan, hehehe

    ReplyDelete
  2. oi salamat pre! hehehe. sana nga. good luck sa atin sa 2011. apir!

    ReplyDelete
  3. yun o!

    welcome to blogger. we come in peace. \m/

    ay mali, something like this --> \/m pala dapat. or whatevs.

    { corbitoness }

    ReplyDelete